26.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Clarkson, Sotto out sa Euro trip ng Gilas

- Advertisement -
- Advertisement -

Utah Jazz star Jordan Clarkson at young big man Kai Sotto hindi na makakasama sa training camp at ilang serye ng tuneup games ng Gilas Pilipinas sa Europe habang ang national squad ay naghahanda na para sa 2023 FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto 25.

Ayon sa pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas nitong Biyernes, ika-9 ng Hunyo, “except for Clarkson and Sotto, the active players in the pool are on call for scheduled pre-World Cup pocket tournaments and tuneup matches in Europe against the Estonian national team, Finland, Lithuania and Latvia.”

Bagama’t mayroon pang isang taon na natitira sa kanyang kontrata sa Jazz, ang 31-anyos na point guard na si Clarkson ay may opsyon na makipag-negosasyon para sa isang bagong deal o subukan ang free agency.

Sa kabilang banda, sumalang naman si Sotto sa mga mini camp sa ilalim ng Jazz, Dallas Mavericks at kung papalarin ay maging sa New York Knicks din, sa pag-asang makakuha ng tsansang makapaglaro sa NBA Summer League.

Noong nakaraang Miyerkules, June 7, ay nagsimula na ang matinding ensayo ng Pinoy cagers na dinaluhan ng 14 na manlalaro mula sa 21-man national pool.

Pangungunahan nina Clarkson, kasama ang mga naturalized players na si Justin Brownlee at Ange Kouame ang 21-man pool.

Kasama sa iba pang miyembro ng pool ang 7-foot-3 young big man na si Kai Sotto, ang Japan B.League Filipino imports na sina Kiefer Ravena at kapatid nitong si Thirdy, Dwight Ramos, Carl Tamayo, Jordan Heading, Rhenz Abando ng KBL at PBA Stars June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, CJ Perez, Chris Newsome, Japeth Aguilar at JP Erram, pati na rin ang nagbabalik na si AJ Edu ng University of Toledo.

Bahagi rin ng pool sina Roger Pogoy, Bobby Ray Parks Jr., at Calvin Oftana na kasalukuyan pang nagpapagaling matapos magtamo ng kani-kaniyang injuries gaya ng, fractured pinky, muscle strain at Grade 2 calf muscle strain, ayon sa pagkakabanggit.

Ang Pilipinas, na co-host ng World Cup kasama ang Japan at Indonesia, ay nakatakdang humarap sa Dominican Republic sa kanilang unang laban sa torneo na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Makakaharap din ng Gilas sa kanilang group stage ang Angola at Italy na world No. 10 at two-time FIBA EuroBasket champion. Ang dalawang laro na ito ay masasasaksihan naman sa Smart Araneta Coliseum.

Hinikayat din ni SBP president Al Panlilio ang mga Filipino fans na suportahan ang Gilas sa nalalapit nitong laban.

Ayon kay Panlilio, na nahalal kamakailan bilang second vice-president ng Fiba Asia Board, himihingi sila ng mainit na suporta sa mga Pilipino para sa kanilang national pool. Mag-uumpisaa na sila sa kanilang pagsasanay para sa World Cup at kailangan nila ng moral support.

“We’re praying for the good health and safety of all the players, coaches and everyone involved with Gilas Pilipinas. This is our national team, and they are all committed to give their utmost best as they go up against the best players in the world,” dagdag pa nito.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -