26.1 C
Manila
Lunes, Disyembre 23, 2024

Public School Database para sa mas madaling proseso ng enrollment isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

Kasunod ng pagbubukas ng early registration sa mga pampublikong paaralan, muling isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang paglikha ng National Public School Database para sa mas madaling proseso ng enrollment.

Iminungkahi ito ni Gatchalian sa Public School Database Act (Senate Bill No. 478). Sa ilalim ng naturang panukala, lilikha at magpapanatili ang Department of Education (DepEd) ng National Public School Database na paglalagyan ng impormasyon ukol sa mga mag-aaral. Kabilang dito ang mga school grades, personal na datos, good moral record, improvement tracking, at iba pa.

Magiging bahagi din ng National Public School Database ang mga exam score, grade level, attendance, at immunization record para sa biographical data ng mga mag-aaral, pag-proseso ng admission at discharge, at paglipat sa ibang mga paaralan. Magkakaroon ang mga school administrator ng access sa datos na ito upang magkaroon slla ng napapanahon, akma, at wastong impormasyong gagabay sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin.

Minamandato rin ng panukala ang DepEd na bumuo at magpatupad ng Database Information Program, kung saan sasailalim sa training ang mga education professionals sa paglikha at pagpapatakbo ng National Public School Database, pati na rin sa paggamit ng impormasyong nakasaad dito.

Binigyang diin ni Gatchalian na madali kasing masira ang mga pisikal na dokumento dahil sa kawalan ng maayos na lalagyan lalo na kung nagkaroon ng pagbaha, sunog, at iba pang mga sakuna. Kung mailalagay sa isang database ang mga datos at impormasyon ng mga mag-aaral, matitiyak ng mga guro at mga school head na madaling mahahagilap ang mga mahahalagang dokumentong ito.

Dagdag pa ng senador, padadaliin ng national public school database ang pagmonitor sa pag-usad ng mga mag-aaral, bagay na mahalaga sa assessment, pagpaplano, at pagtakda ng mga target.

“Batay sa karanasan natin noong kasagsagan ng pandemya, nakita natin ang napakahalagang papel ng teknolohiya, hindi lamang para sa pag-aaral at pagtuturo kundi pati na rin sa pamamalakad ng ating mga paaralan. Kaya naman isinusulong natin ang paglikha ng National Public School Database upang gawing mas madali ang proseso ng ating enrollment at matulungan ang ating mga guro at mga school heads,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -