31.8 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

PCUP, handang magbigay suporta sa resettlement sites ng Valenzuela

- Advertisement -
- Advertisement -

Nangako ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na handa itong mag-abot ng tulong at suporta sa Valenzuela Local Government Unit (LGU) para sa mga susunod na programa nito sa isang courtesy visit na ginanap noong nakaraang linggo sa Valenzuela City Hall.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ni PCUP Chairperson/CEO, Undersecretary Elpidio Jordan Jr., at Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga paraan kung paano matutulungan ng komisyon ang lungsod upang makapagbigay ng mas maagap na serbisyo sa mga maralitang tagalungsod.

Isa na rito ang pagbibigay ng livelihood at capability building programs sa mga kasalukuyang resettlement sites sa lungsod para sa employment at financial sustainability.

“In order to successfully uplift the lives of our urban poor, it is important to give them the knowledge and support that they need besides providing them with safe relocation. We want to empower them so they can have the capacity to provide a more comfortable life for their families.” ani Undersecretary Jordan Jr.

Maliban rito, ipinahayag rin ni Undersecretary Jordan Jr., sa nasabing pagpupulong ang kanyang komendasyon sa lungsod na matagal nang aktibo sa pagbibigay ng maayos at ligtas na pabahay para sa mga maralita. Kahit matagumpay ang lungsod sa kanilang mga programa kontra kahirapan, ipinahayag ni Mayor Gatchalian na mayroon pang mga proyekto ang Valenzuela na maaaring maging daan tungo sa mas pinatibay na koordinasyon sa pagitan ng LGU at komisyon.

Matatandaang ang lungsod ng Valenzuela ay kilala sa kanilang mga aktibong proyekto para sa Informal Settler Families (ISFs) tulad ng kanilang matagumpay na in-city housing settlement, ang Disiplina Village. Ito ay orihinal na itinayo bilang tugon para sa mga informal settler families (ISFs) na naging biktima ng Bagyong Ondoy. Ito ay kilala bilang ang unang in-city relocation site at public rental housing project para sa maralitang tagalungsod, sa pamamagitan nito, mayroong akses sa mga paaralan, health center, at maging isang annex ng city hall ang mga relocatees. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa libu-libong ISFs ang nakatira rito.

Ang ugnayan na ito ay mahalaga para sa Presidential Commission for the Urban Poor dahil nakatutok ito sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor at iba’t ibang Local Government Units sa buong bansa upang makakalap ng suporta para sa 4 na Banner Programs nito.

Higit pa rito, umaasa si PCUP Undersecretary Jordan Jr., na ang posibleng partnership na ito ay magbubukas ng pinto para maipaabot ng komisyon ang mandato nito sa itinuturing na poorest-of-the-poor ng lungsod.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -