27 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

Estate tax amnesty program palawigin, pasimplehin — Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

Bilang tugon sa gusto ng mga taxpayers, nais ni Senador Win Gatchalian na pasimplehin at palawigin pa ng dalawang taon ang estate tax amnesty program ng gobyerno para mas marami pang taxpayers ang maka-avail nito.

Ang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, si Gatchalian ay naghain ng Senate Bill 2197 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 11213 o ang Tax Amnesty Act, na sinusugan ng Republic Act No. 11569, upang higit pang palawigin ang pag-avail ng estate tax amnesty.

Pasado na sa Mababang Kapulungan ang bersyon nito ng naturang panukala at opisyal nang nai-transmit sa Senado kahapon, Mayo 16.

Sa ilalim ng kanyang panukalang batas, nais ni Gatchalian na pasimplehin ang proseso para sa pag-avail ng tax amnesty program para mahikayat ang mas maraming taxpayers na samantalahin ang naturang tax reprieve. Kapag naisabatas ang panukala ay tatagal ng 2 pang taon o hanggang Hunyo 14, 2025 ang pag-avail ng estate tax amnesty. Nakatakda na kasing matapos ang programa sa Hunyo 14 ngayong taon.

“Tiyak na tataas nang malaki ang koleksyon ng buwis mula sa amnesty program kung maaaprubahan ang mga amendment sa panukalang batas. Tiyak na pakikinabangan ito ng ating mga taxpayers at magbibigay pa ng karagdagang kita para sa gobyerno,” sabi ni Gatchalian.

Noong Marso 2023, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakakolekta na ng kabuuang P7.41 bilyon laban sa target na P6.28 bilyon mula sa 133,680 na taxpayers na naka-avail na ng programa.

Ayon sa senador, nakatanggap siya ng mga ulat na ang BIR ay patuloy na nagpapataw ng mahigpit na requirements, partikular ang pagsusumite ng extrajudicial proof of settlement, na nagpapahirap at nagdudulot lamang ng kalituhan sa taxpayers.

“Ang hirap ng pakikipagbuno sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matiyak lamang na kumpleto ang mga dokumento at ang malaking gastusin ng pagkakaroon ng eligibility sa bawat yugto ng proseso ay nagsisilbing hadlang para lang makompleto ang proseso ng pag-aayos ng estate tax,” dagdag ng senador.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -