29.6 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

PBBM admin naglaan ng P2.39 bilyon para pondohan ang malawakang forest rehabilitation program

- Advertisement -
- Advertisement -

Para makamit ang sustainable, green, at climate-resilient economy, naglaan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P2.39 bilyon para sa National Greening Program sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

“Bilang mandato po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mananatili kaming nakatuon sa pagkamit ng inclusive at sustainable transformation patungo sa tinatawag na greener economy. Ngunit hindi po natin matatamasa ang layuning ito kung pababayaan natin ang ating kalikasan. Kaya sa pagbuo natin ng ating national budget, binigyang prayoridad po natin ang mga pondo sa pangangalaga sa kalikasan. Kaya naman ngayong taon, mas tinaasan pa natin ang budget para sa climate change programs and activities,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.

Isa sa mga pangunahing proyekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang programa ay isang malawakang rehabilitasyon ng mga kagubatan na layong itaguyod ang sustainable development para mabawasan ang kahirapan, magkaroon ng sapat na pagkain, biodiversity conservation, matatag na kapaligiran, at tugunan ang climate change o pagbabago ng klima.

Sakop ng programa ang lawak ng kalupaan na nasa 13,565 ektarya; 7,249,642 na binhing itatanim; at 158,843 ektaryang lupa na pananatilihing alagaan.

“Kita naman po natin ngayon pa lamang, ramdam nating lahat ang epekto ng climate change, lalo na ang pagpasok ng El Niño. Kaya paulit-ulit din pong panawagan ng DBM sa bawat ahensya na maglaan sa kanilang budget proposal ng mga provision para sa pagtugon sa climate change,” dagdag pa ni Secretary Pangandaman.

Matatandaang para sa 2023, naglaan ang PBBM administration ng P464.5 bilyon para tugunan ang climate change. Higit na mas mataas ang naturang budget ng 60.1 porsyento kumpara sa 2022 budget nito na nasa P289.7 bilyon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -