26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Usec. Jordan nanawagan sa mga LGU na tularan ang Talisay City

- Advertisement -
- Advertisement -

LUNGSOD NG TALISAY, Cebu — Sa pagtukoy sa kailangang suporta sa poverty alleviation program ng administrasyong Marcos bilang bahagi ng nation building initiative ng pamahalaan, hinimok ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairperson Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ang lahat ng mga local government unit (LGU) na tularan ang Talisay City sa mga pro-poor initiative nito na nagbigay dito ng back-to-back na awartd mula sa dalawang ahensya ng gobyerno.

“Nagpapatunay lamang ang mga parangal na ito sa Talisay (City) na kailangan nating pakinggan at sundin ang panawagan ng ating mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr. na magkaisa tayo sa kanyang pamumuno upang makamit natin ang katiwasayan,” pinunto ni Usec. Jordan.

Binigyan ang Talisay City ng Natatanging Gawad Lingkod Maralita Award sa kategorya ng mga LGU ng PCUP dahil sa matibay na commitment nito sa pagbibigay ng serbisyo sa mga maralita at informal settler family (ISFs) at pagbibigay daan din ng accessibility sa mga programang may layuning mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Pinagmalaki ni Talisay City mayor Gerald Anthony ‘Samsam’ Gullas ang mga award dahil pinapakita umano ng mga ito ang katapatan ng lungsod na makapaglingkod sa mga maralitang tagalungsod.

“I’m very happy and proud that City of Talisay was chosen as the recipient of Presidential Commission for the Urban Poor’s (PCUP) Natatanging Gawad Lingkod Maralita Award (LGU category) . . . We were chosen among all other LGUs in the entire Visayas Region this year,” hinayag ni Gullas sa social media.

Krinedito ni Gullas ang mga parangal sa “mabuting implementasyon” ng mga asset reform program at urban development project na naipatupad habang pinasalamatan niya ang Local Housing Office ng Talisay sa pamumuno ni Marisa Bering at Atty. Bevs Tutor na aktibong nagsasagawa ng nasabing mga inisyatibo.

Bukod sa PCUP award, tumanggap din ang Talisay City ng pagkilala mula sa Commission on Population and Development-7 makaraang lumitaw ito bilang Most Outstanding LGU sa Implementation of Philippine Population Development Program (PPDP) sa pamamagitan ng mga kalakip na component program na Adolescent Health and Development (AHD), Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP) at Population and Development (POPDEV) sa kabila ng pandemya na coronavirus.

Pinarangalan din ang lungsod ng Most Functional Teen Center sa pamamagitan ng epektibong mga demand-generating activity, referral pathways at information dissemination sa mga kabataan. Pumapangalawa din ito sa Most Active Peer Educator’s Organization sanhi aktibong involvement ng Pag-Asa Youth Association of the Philippines Talisay Chapter.

“This award signifies unity of every sector in the Talisay City Government to ensure that our projects and programs are well-implemented despite the challenges brought by the pandemic. I’m very thankful to everyone who worked hard to implement our programs for the welfare of the Talisanons,” pagtatapos ng alkalde.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -