PINAPURIHAN ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Provincial Science and Technology Directors (PSTD) sa tagumpay ng mga proyekto nito sa kanilang rehiyon.
Ang okasyon ay isinagawa sa Widus Hotel sa Clark Freeport Zone sa Pampanga noong Nob. 25-26, sa pangunguna ni DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang at ni Region lll Director Julius Caesar Sicat.
Ginawaran din ng pagkilala ang Most Outstanding PSTD at PSTDs na naglingkod sa kagawaran sa loob ng mahigit sa 20 taon. Ayon kay DOST Secretary, Dr. Renato U. Solidum Jr., matagumpay ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng mga provincial director sa kani-kaniyang lugar at rehiyon.
Ayon kay Engr. Mabborang, ilan sa mga layunin ng PSTD ay ang pagkilala sa tagumpay ng mga naipatupad na proyekto, programa at serbisyo na nagbunga ng benepisyo sa lokal na komunidad; pagbibigay ng pagkakataon sa PSTD na maibahagi ang mga ideya, stratehiya na nagpapalakas ng loob at moral ng mga miyembro nito sa kabila ng maraming hamong kinakaharap sa ilalim ng socio-economic at political landscape.
Sinaluduhan din ni Solidum ang mga regional director dahil sa pagkapasa sa 18th Congress ng Republic Act 119141 o tinatawag na “converting the Provincial Science and Technology Center into the Provincial Science and Technology Office” at nilaanan ng kaukulang pondo.
Kabilang sa mga naging panauhin at naghandog ng kanilang pahayag sa okasyon ay sina Undersecretary Dr. Leah J. Buendia ng Research and Development; Maridon Sahagun, Undersecretary for Scientific and Technical Services; Atty. Marc Fabian Castrodes, presidente at CEO ng Arete Foods Corporation. Dumalo rin sa pagtitipon ang mga assistant regional directors.
Ang PSTD ay taunang pagtitipon ng mga S & T director simula noong 2009 ngunit nahinto ito dahil sa pagdating ng global pandemic. Muli ay ipinapakilala ito ngayong taon.
Maraming binanggit na plano sa 2023 sina Solidum at Mabborang, katulad ng paglapit at pagdala sa mga tao ng agham, teknolohiya at inobasyon at ang dalang benepisyo nito na makapagpabago ng kanilang buhay at kinabukasan.