27.2 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Mga residente sa Tawi-Tawi nakilahok sa mini caravan ng PCUP

- Advertisement -
- Advertisement -

BONGAO, Tawi-Tawi — Daan-daang residente ang nakilahok sa isinagawang dalawang-araw na mini caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor Field Operations Division for Mindanao (PCUP-FODM) sa kapitolyo ng Bongao at bayan ng Panglima Sugala sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Namigay ang mga tauhan ng PCUP-FODM sa pamumuno ni Atty. Ferdinand Iman ng mga food pack mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at hygiene kit mula sa Procter and Gamble (P&G) Philippines sa 410 benepisyaryo mula sa Barangay Sanga-Sanga.

Nasundan ito ng isa pang pamamahagi ng goods sa 257 residente ng Barangay Magsaggaw sa munisipalidad ng Panglima Sugala na kung saan tinulungan ang PCUP ng Second Marine Brigade, MBLT-1 at Philippine Navy sa pamumuno nina Brig. Gen Romeo Racadio at Maj. Rick Ganuelas at mga kawani ng munisipalidad sa pangunguna ni Panglima Sugala vice mayor Dayang Sahali.

Bukod sa pamimigay ng mga food pack at hygiene kit, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng dalawang mini caravan ng libreng medical at dental services at gayun din ang libreng tuli at mga medisina at bitamina, salamin sa mata at tsinelas.

Idinagdag ni Atty. Iman na binigyan din ang mga benepisyaryo ng access na makapag rehistro para sa national identification card at libreng konsultasyon at oryentasyon sa mga programa ng mga kalahok na ahensya ng pamahalaan bukod sa pamamahagi ng mga coffee at cacao seedling, binhi ng gulay at kagamitan sa pangingisda.

Kabilang sa nakilahok sa PCUP mini caravan ay ang Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM)’s Ministry of Social Services and Development (MSSD), Ministry of Agriculture (MA), Ministry of Fisheries and Agrarian Reform (MFAR), Integrated Provincial Health Office (IPHO), Regional Health Unit of Panglima Sugala, Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine Navy (PN), 2nd Marine Brigade, MCKS Caring Heart Foundation, Dr. Lagaret Dermatology Clinic, MBHTE-Tawi-Tawi, Alliance of Local Mediators of Tawi-Tawi (ALMTA) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Panglima Sugala.

Ayon kay PCUP Commissioner for Mindanao Remedios Chan, ipagpapatuloy ang mga kahalintulad na proyekto sa ilalim ng kanyang panunungkulan at ang mga maralitang tagalungsod sa kanyang nasasakupan ay makakaasa ng mga polisiyang mag papalapit sa kanila sa mga kaukulang ahensya na magbibigay sa kanilang ng accessibility sa mga kailangan nilang serbisyo na ipinagkakaloob ng pamahalaang lokal at nasyonal.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -