28 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

PCUP patuloy sa inisyatibo tungo sa poverty alleviation

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAPATULOY ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pagsagawa ng mga aktibidad tungo sa poverty alleviation at paglilingkod sa mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng mga programa para sa urban poor empowerment at leadership development.

Kamakailan, nagsagawa ang PCUP ng basic orientation at leadership seminar sa mga residente ng Barangay Pasong Tamo at Fairview sa Quezon City na maaapektuhan ng ongoing NLEX-SLEX connector project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa Barangay Pasong Tamo, pinangunahan ni Field Operations Division-National Capital Region assistant chief Dennis Protasio at NCR area coordinator Ed Labaco ang basic leadership capability seminar para sa mga piling opisyal at miyembro ng United Luzon Avenue Federation (ULAF) na magbibigay sa kanila ng basic organizational know-how para matulungan ang kanilang grupo sa mga inisyatibong pangkabuhayan at iba pang mga adhikain.

“Alam nating may kakulangan sila sa basic skills ng pamamahala kaya ito ang una naming itinuturo sa kanila upang magkaroon sila ng kumpiyansa at matulungan din ang kanilang mga sarili para umunlad ang kanilang pamumuhay,” sabi ni Protasio.

Nilalayon ng bagong administrasyon ang pagbawas, kundi man tuluyang paglutas, sa kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng mga mahahalagang repormang pang-ekonomiya at pagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan, partikular na ang mga maralitang tagalungsod na sa ngayo’y lubhang hirap na sa paghina ng ating ekonomiya na resulta ng kawalan ng hanapbuhay sa milyun-milyong Pilipino dulot ng pandemyang coronavirus at iba pang mga kaganapan.

Itinatag ang PCUP sa ilalim ng Executive Order No. 82 noong Disyembre 8, 1986 upang magsilbing tulay ng pamahalaan sa mga maralitang tagalungsod sa proseso ng pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya na tutugon sa mga pangangailangan at hinaing ng mahihirap sa bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -