25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Out-of-school youth binigyan ng libreng bisikleta ng Grab PH

- Advertisement -
- Advertisement -

Nagpapatuloy ang Presidential Commission for the Urban Poor sa pakikipagtambalan nito sa pribadong sektor sa pamamagitan ng mga gawaing makakapagbigay ng mga oportunidad na kabuhayan sa mga maralita nating kababayan ng pagsasanay at pamamaraan para sa kanilang income development.

Ito ay kaakibat ng adhikain ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.’s para sa inclusive na pamamahala na magpapaangat sa buhay ng mamamayang Pilipino, partikular na na yaong kabilang sa mga mahihirap na grupo.

Kaugnay nito, nilunsad nung Agosto 11 ng Grab PH, sa tulong ng PCUP, ang programang ‘Daan ng Natigil’ na ang layunin ay makatuklong sa mga out-of-school youth na mapaganda ang kanilang pamuuhay at mapakinabangan ang inisyatibo ng PCUP tungo sa poverty alleviation at livelihood generation.

Namahagi ang Grab PH ng mga libreng bisikleta na may kasamang kagamitan para sa delivery sa 30 kabataan mula sa mga maralitang pamilya sa lungsod ng Pasay at Makati, na ngayon ay may pagkakataong makapaghanapbuhay bilang bahagi ng Grab delivery services.

Ayon kay PCUP chairperson Elpidio Jordan Jr., ang nabanggit na programa ay resulta ng pakikipagtambalan ng ahensya sa iba’t ibang mga pribadong grupo tulad ng Grab PH sa tulong ng mga isinasagawang caravan ng PCUP sa mga piling lugar sa bansa na nagbukas ng daan para maibahagi ng mga maralita ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Bukod dito, sinabi ni Jordan na ang mga nagawang mga caravan ng PCUP ay patunay sa halaga ng tambalan ng pamahalaan sa pribado sector at gayun din sa matibay na paninindigan ng PCUP na suportahan ang mga adhikain ng administrasyong Marcos administration para mapaigi ang pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga epektibong polisiya at programa para sap ag-unlad ng ating ekonomiya.

“Ito ang pagtupad sa aming ipinangako—ang tulungan ang ating mamamayan na mabuhay nang maayos at matiwasay sa tulong ng ating pamahalaan,” dagdag ni Jordan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -