Ang 99.93 percent vote accuracy rate mula sa lumabas na random manual audit (RMA) ay ang patunay na nagdesisyon na ang mga Pilipino at ang kanilang kagustuhan ay dapat respetuhin, ayon sa kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos nitong Lunes.
Ayon kay incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, ang random manual audit ng boto ay nagpapakita na ang mga digitally transmitted election results ay kahalintulad ng mga botong nakasulat sa mga balota.
“We welcome the results of the random manual audit of votes that the Commission on Elections (Comelec) reported out. We believe that the high accuracy rate proves that the recent elections were not marred by fraud as some sectors have been claiming. The RMA results should erase any doubt regarding the election results. The people have spoken and they have chosen presumptive President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos to be the country’s 17th president,” sabi ni Rodriguez.
Base sa random manual audit of votes nitong nagdaang 2022 elections, 99.93% ang overall accuracy matapos 128 sa 757 sa randomly selected clustered polling precincts ang nasuri na.
Dagdag pa ni Comelec Commissioner George Garcia ang ulat na 99.97% accuracy rate ay para sa presidential elections, habang 99.96% ang para sa vice-presidential race, at 99.97% naman sa senatorial at party-list polls.
Ang random manual audit ay pinangunahan ng Comelec, at mga poll watchdogs gaya ng LENTE, na asosasyon ng mga certified public accountants, at kasama din nila ang Philippine Statistics Authority.
Ito ay ginagawa upang suriin ang mga vote counting machines at masigurong tama ang pagkakabilang sa mga balota.
Muling nananawagan si Rodriguez sa mga sektor at grupo na nagbibigay ng pagdududa sa publiko kaugnay sa resulta ng halalan na tigilan na ang kanilang ginagawa at hayaang makapaglingkod ang susunod na administrasyon.
“I appeal to those who keep on pursuing this divisiveness, the people have spoken. The Filipino people have spoken and an overwhelming majority has voted President-elect Bongbong Marcos and Vice President-elect Inday Sara Duterte into office as President and Vice President. Learn to respect the will of the Filipino people,” sabi pa niya.