26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Pitong mga Makabagong Bayaning nagsusulong ng Virology Research sa Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

Higit na nakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling virology experts sa Pilipinas ng dahil sa kasalukuyang pandemya. Dahil dito, nanguna ang DOST sa pagpapatatag ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines o VIP. Bagamat matagal tagal pa bago tuluyang matapos ang pisikal na imprastraktura ng VIP, naumpisahan na ng programa na makakalap ng pitong eksperto na tumulong na maisagawa ang walong proyetko ng VIP sa pamamagitan ng Balik Scientist Program. Lahat ng ito ay ibinahagi ng atin mga Balik Scientists sa kagaganap lamang na BSP Exit Report Presentation na pinamagatang “Building a Safer Future” nitong Mayo 3, 2022.

Saad ni Secretary Fortunato T. de la Peña na hindi lamang ito makakatulong sa advancement ng virology research sa bansa, kundi maihahanda din nito ang Pilipinas sa mga parating pang pandemya, bioterrorism, at mga endemic diseases.

Dagdag ni Undersecretary Rowena Cristina L. Guevara sa kanyang panimulang mensahe na ang mga proyektong ito na inumpisahan ng ating mga Balik Scientist ay sagot sa mga pangagailangan ng bansa pagdating sa diagnostics, vaccines, and therapeutics na siyang gabay sa paghahanda sa mga susunod pang pandemya.

Bilang isang VIP adviser, si Dr. Homer D. Pantua na isang batikang eksperto sa infectious disease drug discovery ay nagsagawa ng training kasama ang mga lokal na VIP researchers sa pagawa ng diagnostic tool para sa African Swine Fever Virus (ASFV). Siya rin ay naging gabay sa mga estudyante na nais matuto ng ASF-related and AI-based swine health monitoring system. Naitatag din ni Dr. Pantua ang magandang pakikipagunayan ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry, DOST-ITDI, at PCAARRD sa Kansas State University.

Nagbigay kaalaman naman si Dr. Elpidio Cesar B. Nadala, Jr. sa bioinformatics analysis ng mga genomes ng target viruses. Siya rin ay nagsagawa ng ilang webinars sa biosafety at biosecurity na dalawa sa mga importanteng talakayin sa pagpapatatag ng VIP. Bilang isang dalubhasa sa larangan ng microbiology, virology, at medical biotechnology, binigyang diin ni Dr. Nadala ang importansiya ng “rapid, sensitive, and specific tests” upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Samantala, nagsumamo naman ang microbiologist-virologist na si Dr. Lourdes M. Nadala na maisabatas na ang Senate Bill 2241 na siyang magiging daan upang magkaroon ng masmabisang procurement system para mapanatili ang operation ng VIP. Pinarating din ni Dr. Teodoro M. Fajardo, Jr., na isang eksperto sa molecular virology at molecular biology, ang importansiya ng pagkakaroon ng malaking pondo para sa S&T researches.

Ipinahiwatig din nina Dr. Myra DT. Hosmillo ng University of Cambridge, UK at Dr. Christina Lora M. Leyson mula sa Univeristy of Georgia ang kahalagahan ng kababaihan at kabataan na mamulat at maging parte ng iba’t-ibang S&T researches.

Si Dr. Leodevico L Ilag naman ang siyang naging katukatulong ni Dr. Pantua sa pagsasaliksik sa potensiyal na bakuna laban sa ASF. Siya rin ay nagtrain ng mga researchers na magiging parte ng VIP.

Sa kagalakan, ipinarating ni Executive Director Dr. Reynaldo V. Ebora ng PCAARRD ang mga katagang, “Nawa ito ay umpisa lamang ng pangmatagalanag relasyon ng VIP at mga kapwa Pilipino nating mga eksperto!”

“Sa pakikipagtulungan ng mga Balik Scientist na tuluyang mailunsad at maitatag ang VIP, hindi malayong makamit ng Pilipinas ang solusyon sa kalusugan at agrikultura. Dahil dito, maipaparating natin ang isang magandang kinabukasan ng virology research sa bansa at higit lalo sa ating mga kababayang Pilipino,” saad ni Dr. Jaime C. Montoya.

Itinatag ang BSP noong 1975 bilang tugon sa “brain drain” o ang pangingibang-bayan ng mga Pinoy scientist.

Sa pamamagitan ng programa, hinihikayat na mapabalik ng Pilipinas ang mga Fiipino scientist upang makapagbahagi ng kanilang mga karanasan at makabagong kaalaman sa ikauunlad ng bansa. (DOST OUSECRD\\ ITDI S&T Media Service)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -