26.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Kalye Surveys April 20; BBM bandera sa 40 ng 45 lalawigan

- Advertisement -
- Advertisement -

Kinumpirma ng pinaka- bagong resulta ng Kalye Survey ang pangunguna ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga pormal survey na isinasagawa ng mga respetadong polling firms sa bansa.

Base sa resulta ng Kalye Survey na inilabas ng SPLAT Communications, nakakuha si Marcos ng majority o top preference shares sa 40 sa 45 na mga lalawigan sa buong bansa.

Hanggang April 20, nagsagawa ng Kalye Survery sa 51 na lalawigan na may 150,063 na respondents ngunit hinihintay pa ng SPLAT ang datos na magmumula sa Antique, Basilan, Batanes, Camiguin, Dinagat Islands, at Guimaras.

Sa kabuuang Kalye Survey, tatlong bahagi ang inilabas ng SPLAT kung saan sa unang episode ay nanguna si Marcos sa 13 mula sa 14 na lalawigan.

Ito ay sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Aklan, Aurora, Abra, Apayao, Bataan, Bulacan, Batangas, Bohol, Bukidnon, Biliran, at Benguet.

Tanging pumangalawa lang siya kay Robredo sa lalawigan ng Albay.

“Aside from Albay, she ( Robredo) is either second-ranked to last place in the other 13 provinces presented,” ayon sa analisa ng SPLAT.

Labing pito anila ang kasali sa bahagi na ito ngunit hindi pa nila nakukuha ang datos sa mga lalawigan ng Antique, Basilan, at Batanes.

Sa pangalawang bahagi ng ulat, 15 na lalawigan ang kasama ngunit hinihintay pa nilang dumating ang datos mula sa Camiguin at Dinagat Islands.

Ayon sa SPLAT, si Marcos muli ang nakakuha ng majority or top preference votes nang manguna ito ng 9 sa 13 lalawigan.

Nakakuha siya ng pinakamataas na preference shares sa Cagayan na 96 percent.

Nakakuha din siya ng 41 percent sa Capiz, Cavite, 61 percent; Cebu, 48 percent; Cotabato, 55 percent; Davao Del Oro, 48 percent; Davao Del Norte, 69 percent; Davao Del Sur, 66 percent; at Davao Oriental, 55 percent.

“He was second in the four other provinces that he did not top,” sabi ng SPLAT.

Samantala, nanguna naman si Robredo sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes kung saan ang kanyang pinakamataas na preference shares ay sa Camarines Sur kung saan nakakuha siya ng 80.7 percent

“In the 10 other provinces, she ranked second to fifth,” ayon sa SPLAT.

Sa episode na ito, nakakuha si Manny Pacquiao ng top preference shares sa Davao Occidental, habang si Isko Domagoso at Panfilo Lacson ay hindi nakakuha ng kalamangan sa kahit saang lalawigan.

Sa huling bahagi ng ulat, nagsagawa ng Kalye Survey sa 19 na lalawigan ngunit wala pa ang datos mula sa Guimaras.

Una pa rin si Marcos na nakakuha ng 51 percent sa Eastern Samar, 51 percent; Ifugao, 76 percent; Ilocos Norte, 86 percent; Ilocos Sur, 81 percent; Iloilo, 42 percent; Isabela, 86 percent; Kalinga, 83 percent, La Union, 92 percent; Lanao Del Norte, 73 percent; Laguna, 61 percent; Leyte, 71 percent; Lanao Del Sur, 61 percent; Maguindanao, 45 percent; Marinduque, 40 percent; Masbate, 35 percent; Misamis Oriental, 56 percent; Mt. Province, 83 percent; at Misamis Occidental, 54 percent.

“In all, he leads all 18 of 18 provinces in terms of presidential preference shares. The four other presidentiables – Leni, Isko, Manny, and Ping did not receive any majority or top preference shares in the aforementioned provinces. They are either second to fifth,” sabi ng SPLAT.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -