26.8 C
Manila
Huwebes, Enero 9, 2025

Bongbong isusulong ang industriyalisasyon para makalikha ng mas maraming trabaho

- Advertisement -
- Advertisement -

Sinabi ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na pabibilisin niya ang industriyalisasyon ng mga mahahalagang sektor sa bansa upang lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino kapag siya ay nanalo sa darating na 2022 elections.

Sa isang panayam sa lokal na istasyon ng radyo na DZRJ, sinabi ni Marcos na ang susunod na administrasyon ay dapat tutukan ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng programang industriyalisasyon katulad ng ginawa ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, noong dekada 70.

“The next administration will have to revive the industrialization drive that was started in the 70s. We have to continue that. If you look at the history of our wealthy neighbors, they became economically strong because of trade,” sabi ni Marcos.

“We are at present very dependent on the service sector. That is something we need to address very, very clearly, and manufacturing is a very important part of that,” dagdag pa niya.

Ayon sa datos noong 2021, ang sektor ng industriya ay umabot sa 30.8% ang kontribusyon sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa habang ang service sector ay umabot sa 60% ang naiambag.

Samantala ang sektor ng agrikultura ay may ambag na 10% sa ating GDP.

Ayon rin sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI) noong 2016, aabot sa 3.2 milyong indibidwal ang nagtatrabaho sa manufacturing industry ng bansa.

Sa kanyang panayam, binigyang-diin rin ng UniTeam presidential bet ang kahalagahan ng pagpapalawak sa ating mga produktong pang-export upang mapataas ang lebel ng pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa.

“If the manufacturing sector has shrunk, then we really have to go back and redesign that part of our economy for the simple reason that if we want to be involved in trade, then we have to have something to trade with,” ayon pa sa presidential frontrunner na si Marcos.

Sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Marcos, sinimulan ng bansa ang balanseng pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura at industriya.

Sa magkaagapay na estratehiya na ito, magmumula sa sektor ng agrikultura ang kinakailangang kapital at kapasidad upang maisulong ang programang industriyalisasyon dahil na karamihan sa mga export ng bansa ay mga produktong pang-agrikultura sa panahong iyon.

Batid rin ni Marcos ang kagyat na pangangailang makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga nawalan nito at sa kanyang pananaw ang manufacturing sector pangunahing mapagkukunan nito.

“When you talk to people, they always come back down to jobs. Walang suweldo, walang pera, walang pambayad sa kuryente, walang pambayad sa tubig. ‘Yun ang mga problema ng mga Pilipino ngayon,” paliwanag pa niya.

“What we really have to do is bring back those jobs, and many of those would be in manufacturing. Again, infrastructure development. All that has to come into play. If we are going to revive and reshape the economy in the direction the global economy is going,” dagdag pa ni Marcos.

Inaasahang makikinabang sa Build, Build, Build program na sinimulan ng administrasyong Duterte ang mga downstream na industriya na nauugnay sa pagpapaunlad ng imprastraktura, tulad ng construction.

Ang pagtataguyod ng industriyalisasyon kasabay ng pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura ay magbibigay-daan upang makamit ng bansa ang seguridad sa pagkain, partikular sa suplay ng mga mahahalagang kalakal.

Ang paglitaw ng pandaigdigang pandemyang COVID-19 at tunggalian sa Europe ay nagpakita sa atin kung gaano kahirap para sa mga bansang umaasa sa importation gaya ng Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng mga produkto na apektado ang supply chain.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -