26.8 C
Manila
Biyernes, Enero 10, 2025

BBM nagpasalamat, UniTeam mainit na tinanggap ng mahigit 100K Caviteño

- Advertisement -
- Advertisement -

UMAAPAW na suporta ang ipinadama ng lalawigan ng Cavite ng kanilang mainit na tinanggap ang UniTeam nitong Martes.

Ayon sa mga local organizers, mahigit kumulang 100,000 taga-suporta ang pumunta sa General Trias Oval upang makita ng personal sina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte.

“More or less 100,000. Hindi lang naman sa loob ang aming binilang, pati mga hindi nakapasok,” sabi nito.

Pinatotohanan nito ang sinabi ni Governor Jonvic Remulla sa media na umabot ng 100,000 mahigit ang lahat ng dumalo sa grand rally.

Laking tuwa at ‘di makapaniwala si Marcos at Duterte sa suportang kanilang nakita mula sa mga Caviteño.

“Ako ay nagulat. Mula pagpasok ko dito hindi ko akalain na ganito tayo karami,” sabi ni Marcos.

Hindi lang sa grand rally nagpakita ng lakas ang Cavite, umaga pa lang ay napuno na ng mga tagasuporta ang covered court sa Barangay San Juan, Dasmariñas kung saan ginanap ang unang event ng UniTeam.

“Napakalaki ng aming utang na loob sa inyo na kayo’y nakapunta, at higit sa lahat, ‘di lang nakarating, kundi nagbigay sa UniTeam ng napaka-init na salubong mga mahal kong Caviteño,” sabi ni Marcos.

Ayon kay Marcos, tila hindi na kailangan ipaliwanag ang pagkakaisa sa mga Caviteño dahil para sa kanya ay nakamit na ng Cavite ang pagkakaisa.

“Sa aming pag-iikot ng UniTeam, nakakataba ng puso dahil ganito kainit ang salubong na ibinibigay sa amin. Ito ay nagpapahayag hindi lang ng suporta para sa akin, para kay Inday Sara, para sa mga senador kung hindi suporta sa kilusan ng pagkakaisa na aking sinimulan sa kampanyang ito,” wika niya.

Ayon naman kay Senador Bong Revilla Jr. naniniwala siya na ang tagumpay ng isang kandidato ay isang “destiny” at para sa kanya ay nakatakda talagang maging pinuno ng bansa si Marcos.

“Ngayon pa lang nakikita na natin sa mga survey na overwhelming na. Kaya mga taga- Dasmariñas wag nang magpatumpik-tumpik pa, todo ang suporta ng mga Caviteño sa UniTeam,” ani Revilla.

Ipinagmalaki naman ni Cavite Governor Remulla ang mga naitulong ng mga Marcos para sa kanilang lalawigan gaya ng pabahay.

“Lahat ng nangyari sa Cavite, lahat ng kaunlaran sa Cavite ay dahil sa mga Marcos!” sigaw ni Remulla.

“Ipakita natin ang ating suporta, pagmamahal para sa susunod na pangulo ng Pilipinas!” dagdag niya.

Matapos ang mini-caravan ng UniTeam kung saan masayang sinalubong si Marcos ng mga taga-suportang nais siyang makita ng personal ay agad siyang nagtungo sa pangalawang mini rally sa Barangay Paliparan 3 kung saan tila hindi rin matigil ang suporta para sa nangungunang tambalan.

Hindi lang ang tambalang Bongbong at Inday Sara Duterte ang nakatanggap ng mainit na suporta mula sa UniTeam kung hindi ang kanilang buong senatorial line-up.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Marcos at Duterte na makausap ang mga lokal at barangay na lider sa Cavite kung saan suporta ang kanyang pangako sa kanila, gaya ng suportang binibigay ng mga ito, hindi lang sa UniTeam kung hindi pati na din sa kani-kanilang nasasakupan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -