Sinabi ni UniTeam senatorial candidate Harry Roque na dapat magtalaga ng mahuhusay na guro sa nga disadvantaged communites upang matulungan ang mga estudyante umunlad ang kanilang edukasyon.
Sinabi ni Roque, dating miyembro ng House of Representatives, na nais niyang magtalaga ng mga high-accomplished college graduates upang turuan ang mga mahihirap na estudyante sa ilalim ng kanyang panukalang batas na ‘Teach for the Philippines Act.’
Kung mahalal, i-isponsor at ia-update ni Roque ang kanyang House Bill 3018, na mag-recruit, magsanay, at suportahan ang mga guro para sa mga komunidad na kulang sa serbisyo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga non-government organizations (NGOs).
“In keeping with the Constitutional mandate to make quality education accessible to all Filipinos, the State should provide students in rural and urban communities with a nationally recruited corps of educators,” aniya ni Roque.
Sa ilalim ng iminungkahing panukala, Department of Education ay magbibigay ng mga gawad sa mga karapat-dapat na NGO para gumawa ng panrehiyon at pambansang pangkat ng mga guro.
Obligado ang mga guro na maglingkod sa mga mahihirap na komunidad sa loob ng dalawang taon.
Sinabi ng dating presidential spokesperson na ang pagkakaroon ng experienced teachers ay maghuhubog sa mga estudyante para linangin ang kanilang kakayahan.
Sinabi rin ni Roque na ang mga napiling NGO o grantees ay nakatakdang mag-recruit ng mga sanayin sila nang husto sa hands-on na pagtuturo, education coursework, at theory.
Ang mga grantees ang mamamahala sa paglalagay sa paaralan ng mga piling guro. Inaasahang bibigyan nila ang mga guro ng patuloy na pagsasanay at suporta sa propesyonal na pagpapaunlad.
Batay sa 2021 data mula sa Philippine Business for Education (PBEd), isang non-profit na organisasyon, ang mga tauhan ng pagtuturo ng departamento ng edukasyon ay may kabuuang 847,465.
Pagdating sa student-teacher ratio, mayroong 29 elementarya na mag-aaral para sa bawat guro at 39 na junior high na mag-aaral bawat guro.