26.9 C
Manila
Linggo, Nobyembre 17, 2024

OFWs sa Japan swak sa BBM-Sara UniTeam

- Advertisement -
- Advertisement -

Daan-daang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa bansang Japan ang nagsagawa ng isang parada upang ihayag ang kanilang solidong pagsuporta sa BBM-SARA UniTeam sa darating na Mayo 9, 2022 national elections.

Kitang-kita sa video na ini-upload sa Facebook page ng Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Sabado, na maraming OFWs ang sumusuporta sa kandidatura nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte.

Nagmula sa iba’t-ibang siyudad gaya ng Osaka at Ibaraki Prefecture ang halos limandaang indibidwal na nakilahok sa parada na tinaguriang “BBM-SARA Parade We Unite As One” sa Lungsod ng Tokyo.

Ayon pa sa taga SMNI na kumuha ng video, mahigit isang kilometro ang nilakad ng mga tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam habang salitan sa pagtugtog sa background ang mga kantang “Bagong Lipunan,” “Umagang kay Ganda,” at “Ako ay Pilipino.”

Paminsan-minsan ay humihinto rin ang grupo upang sabayang sumayaw at umindak sa mga nasabing tugtugin. Maging ang mga Hapon na nakakasalubong ng grupo ay ngiti ang tugon sa mga BBM-Sara UniTeam supporters dahil sa positibong vibes na hatid nila.

Kapansin-pansin ang pagdomina ng kulay pula at berdeng kasuotan ng mga BBM-Sara UniTeam supporters at maging ng ilan na nagsuot ng terno na kilalang paboritong kasuotan ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Naging maayos ang paradang inorganisa ng iba’t-ibang Japan-based OFW groups na tumugon sa panawagan ng pagkakaisa ng BBM-Sara UniTeam.

Maliban sa pagkakaroon ng isang ambulansiya na aalalay sa mga naglalakad sa initan, tumatalima rin ang karamihan ng nakilahok sa social distancing at pagsusuot ng face masks upang makaiwas sa COVID-19.

Inabot man ng halos tanghali ang parada sa pagbaybay nito sa Hibiya Ward sa Lungsod ng Tokyo, nakangiti at masayang umuwi ang mga nakilahok matapos magtipon-tipon ng sandali sa isang designated area ng mga awtoridad.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -