“Inaasahan naman po talaga natin ‘yan dahil wala naman talagang merito ‘yung mga petisyon na ‘yan.
Mabuti na lang po mababaw ang pagkakaintindi sa batas noong mga nag-file ng disqualification na ‘yan at ibinasura agad. Talaga naman pong ibabasura ‘yan.
Unang-una, ang parusa ay fine lamang eh bakit magiging crime involving moral turpitude?
Pangalawa, binibigyan kasi nila ng retroactive effect ‘yung PD na ‘yun. Sang-ayon sa Tañada vs. Tuvera walang batas na dapat magkakaroon ng bisa unless ito ay na-publish sa Official Gazette.
Kailan lang na-publish ‘yan sa Official Gazette
Kung ikukumpara mo sa kung kailan na promulgate ni Marcos kasi marami ng mga PDs po ni dating Presidente Marcos na hindi po na-publish sa Official Gazette at sabi po ng Korte Suprema ay wala pong bisa.
Sa ngayon po, tuloy-tuloy na ang pagkandidato ni Bongbong.”
by Harry Roque for Senator Media Bureau