Blg. 150
People’s Republic of China: Pag-aangkin sa Karagatan sa South China Sea
Buod
Ang pag-aaral na ito ay nagsusuri sa mga pag-aangkin ng People’s Republic of China (PRC) sa South China Sea. Ang malawakang pag-aangkin sa South China Sea ng PRC ay salungat sa pandaigdigang batas tulad ng nasasailalim sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (“Convention”).
Iginigiit ng PRC ang apat na uri ng pag-aangkin* sa South China Sea:
- Pag-aangkin ng soberanya sa mga maritime features. Inaangkin ng PRC ang “soberanya” sa higit isang daang features sa South China Sea na nakalubog sa ilalim ng dagat tuwing high tide at lampas sa mga ligal na hangganan ng territorial sea ng alinmang Estado. Ang mga naturang pag-aangkin ay hindi naaayon sa pandaigdigang batas, kung saan ang mga naturang features ay hindi puwedeng maibilang sa isang ligal na paggiit ng soberanya o may kakayahang bumuo ng mga sonang pandagat gaya ng isang territorial sea.
- Straight baselines. Ang PRC ay gumuhit, o iginigiit ang karapatang gumuhit, ng “straight baselines” na sumasakop sa mga isla, tubig, at nakalubog na mga features sa loob ng malawak na South China Sea. Wala sa apat na “mga grupo ng isla” na inaangkin ng PRC sa South China Sea (“Dongsha Qundao,” “Xisha Qundao,” “Zhongsha Qundao,” at “Nansha Qundao”) ang umaayon sa heograpikal na panuntunan sa paggamit ng straight baselines sa ilalim ng Convention. Karagdagan dito, walang hiwalay na kawani ng kinaugaliang pandaigdigang batas ang sumusuporta sa posisyon ng PRC na maaari nitong isama ang buong pangkat ng mga isla sa loob ng straight baselines.
- Sonang pandagat. Iginigiit ng PRC ang karapatan sa panloob na katubigan, territorial sea, exclusive economic zone, at continental shelf batay sa pagtrato sa bawat inaangkin na pangkat ng isla sa South China Sea “bilang isang kabuuan.” Ito ay hindi pinahihintulutan ng pandaigdigang batas. Ang lawak ng mga sonang pandagat ay dapat sukatin mula sa mga ligal na itinatag na mga baseline, na karaniwan ay ang low-water line sa baybayin. Sa loob ng inaangkin nitong sonang pandagat, iginigiit din ng PRC ang iilang hurisdiksyon na hindi naaayon sa pandaigdigang batas.
- Historic rights. Iginigiit ng PRC na mayroon itong “historic rights” sa South China Sea. Ang pag-aangking ito ay walang batayang ligal at iginigiit ito ng PRC nang walang pagiging tiyak sa katangian o heograpikong lawak ng inaangkin nitong “historic rights.”
Ang pangkalahatang epekto nito ay ang pag-angkin ng PRC sa soberanya o ilang anyo ng eksklusibong hurisdiksyon sa kalakhan ng South China Sea na hindi naaayon sa batas. Ang mga pag-aangkin na ito ay lubhang nagpapahina sa rule of law sa karagatan at sa maraming kinikilalang probisyon ng pandaigdigang batas na makikita sa Convention. Dahil dito, hindi kinikilala ng Estados Unidos at ng maraming iba pang mga Estado ang mga pag-aangkin na ito, bilang pagpabor sa rules-based na pandaigdigang pangkaayusan sa dagat sa South China Sea at sa buong mundo.
* Ang mga isla sa South China Sea na inaangkin ng PRC ang soberanya ay inaangkin din ng iba pang mga Estado. Sinusuri lamang ng pag-aaral na ito ang mga pag-aangkin sa karagatan na iginigiit ng PRC at hindi sinusuri ang mga merito ng pag-aangkin ng soberanya sa mga isla sa South China Sea na iginigiit ng PRC o ng iba pang Estado. Ang Estados Unidos ay walang posisyon kung aling bansa ang may soberanya sa mga isla sa South China Sea, na hindi isang bagay na pinamamahalaan ng batas ng dagat.
Mga Pagtukoy sa Pilipinas
Noong 2016, matapos konsiderahin ang dashed-line na pag-aangkin ng PRC, isang arbitral tribunal na ipinulong alinsunod sa Convention ang umabot sa katulad na pagpapasiya sa The South China Sea Arbitration (The Republic of the Philippines v. The People’s Republic of China). Ang arbitral tribunal ay naglabas ng nagkakaisang desisyon, na final at binding sa Pilipinas at sa PRC, na nagsasabing: Ang paggigiit ng Tsina sa historic rights, o iba pang mga karapatan o hurisdiksyon sa soberanya, sa maritime areas ng South China Sea na sinasakop ng “nine-dash line” ay salungat sa Convention at walang ligal na epekto dahil sa lumampas ang mga ito sa heograpikal at substantibong mga hangganan ng mga karapatang pangkaragatan ng Tsina sa ilalim ng Convention [at] pinalitan ng Convention ang anumang historic rights, o iba pang mga karapatan sa soberanya o hurisdiksyon na lampas sa mga limitasyong ipinataw dito.
Inaangkin ng PRC ang soberanya sa lahat ng mga isla sa South China Sea (at maraming iba pang maritime features, gaya ng tinalakay sa ibaba). Ang bawat isla o pangkat ng mga isla ay inaangkin ng hindi bababa sa isa pang bansa: Pilipinas (Scarborough Reef at ilan sa Spratly Islands), Malaysia (ilan sa Spratly Islands), Brunei (Louisa Reef, sa loob ng Spratly Islands), Vietnam (Spratly Islands at Paracel Islands), at Taiwan (lahat ng mga isla at mga pangkat ng isla). Ang mga geographic features na inilarawan sa itaas ay matatagpuan sa loob ng dashed lines na lumitaw sa iba’t ibang lugar sa ilang mapa ng PRC mula nang ilathala ng Nationalist government ng Republic of China noong 1947.
Maraming Estado, katulad ng Australia, Japan, New Zealand, Pilipinas, Vietnam, United Kingdom, at Estados Unidos, ang nagprotesta sa mga baseline ng PRC sa paligid ng Paracel Islands dahil hindi ito naaayon sa pandaigdigang batas na makikita sa Convention.
Kahit na ang PRC ay hindi opisyal na nagpahayag ng straight baselines sa paligid ng mga lugar na inilalarawan nito bilang Nansha Qundao, ang mga pahayag nito na nagsasaad ng karapatan nitong gumuhit ng mga naturang baseline ay humantong sa pagkontra ng maraming Estado, katulad ng Australia, France, Germany, Japan, New Zealand, Pilipinas, United Kingdom, Estados Unidos, at Vietnam. Bilang napakakaunti ng mga Estado ang hayagang kumokondena sa labis na pag-aangkin sa dagat, ang mga nabanggit na Estado na nagprotesta ay isang partikular na malakas na pagtanggi sa posisyong ligal ng PRC.
Ang paggawad ng tribunal ay final at binding sa PRC at Pilipinas alinsunod sa Artikulo 296 ng Convention.
Nilinaw ng pandaigdigang komunidad, kabilang ang mga baybaying Estado ng South China Sea, na hindi nito kinikilala ang pag-aangkin ng PRC batay sa paggiit nito ng historic rights. Ang Australia, France, Germany, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Pilipinas, United Kingdom, Estados Unidos, at Vietnam ay hayagang tumutol sa pag-aangkin ng PRC batay sa paggiit nito ng historic rights, na hindi naaayon sa pandaigdigang batas. Ibinasura din ng tribunal sa The South China Sea Arbitration ang pag-angkin ng PRC batay sa paggiit nito ng historic rights sa South China Sea.
by US Embassy in the Philippines Information Office