27.2 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

BBM ‘wag kang mapapagod, nasa likod mo taumbayan’, sumamo at sigaw ng mga Cavite supporter

- Advertisement -
- Advertisement -

“Huwag kang mapapagod BBM, nasa likod mo lang kami, nasa likod mo ang taumbayan!”

Ito ang sigaw ng mga Caviteno sa pagtahak ng Unity Caravan ng BBM-Sara UniTeam sa lalawigan noong Huwebes.

Mangiyak-ngiyak pa ang ilang kababaihan nang salubungin nila ang pick-up truck na kinalululanan nina Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at running-mate Mayor Inday Sara Duterte ng Partido Lakas-CMD, habang binabagtas ang kahabaan ng Bacoor hanggang Rosario.

“Huwag kang mapapagod BBM. Nasa likod mo kami. Matagal ka naming inantay!” sigaw naman ng isang matandang babae na hindi napigilang mapaluha sa matamis na ngiting ibinigay sa kanya ni Marcos.

Tinatayang aabot sa daang libong bilang ng mga Caviteño supporters ang nagsilabasan sa kanilang bahay upang ipakita ang mainit sa suporta sa BBM-Sara UniTeam.

Tulad ng nakalipas na eksena sa Quezon City, hindi din mahulugang karayom sa dagsa at kapal ng mga tao sa isinagawang maghapong sortie mula sa lungsod ng Bacoor at mga bayan ng Noveleta, Rosario at Kawit.

Karamihan sa mga supporters na nakasuot ng damit na kulay pula at berde ay matiyagang nag-antay sa pagdating ng BBM-Sara UniTeam caravan.

Ilan sa mga ito ang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas. Isang lalaki ang naglabas ng ‘sculpture’ ng mukha ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, habang isang Caviteno rin ang nagsuot ng barong tagalog na may tradisyunal na sobrerong may pulang tela na animo’y larawan ng isang magiting na Pilipino.

Ang Cavite, tinatayang may 2.1 million registered voter noon pang taong 2019 at itinuturing na isa sa mga vote-rich province sa bansa ay tinaguriang “Lalawigan ng Magiting.”

Hindi magkamayaw ang sigaw ng mga tao na “Bongbong-Sara” na ang kanilang mga kamay ay naka-victory sign at tikom-kamao.

Ang motorcade ay halos hindi rin makausad dahil karamihan sa mga tagasuporta ay gumigitna at hinaharangan ang sasakyan ng “power duo” para lamang sila makamayan at makawayan.

Ang mga tagpong ganito ay kalimitan na ring nakikita sa mga nakalipas na provincial sorties ng BBM-Sara UniTeam.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -