25.3 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

Uniteam supporters nagsanib-pwersa sa San Juanico bridge

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG makasaysayang pagtatagpo ng mga taga-suporta nina UniTeam Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice Presidential bet Sara ‘Inday’ Duterte ang naganap noong Martes ng hapon, Nobyembre 30, 2021, sa pinakamahabang tulay sa bansa, ang San Juanico bridge, na nagdudugtong sa probinsya ng Leyte at Samar.

Ang “salubong” sa San Juanico Bridge ay pagkakaisa ng hilaga at timog na sumisimbolo sa pagkakaisa ng Luzon, Visayas at Mindanao sa likod ng BBM-Sara UniTeam at sa paniniwalang sa pamamagitan ng mapag-kaisang liderato ng dalawa ay makakamtan ng bansa ang pagkakaisa, kapayapaan at progreso.

Ayon kay Marcos Jr., ang makasaysayang pagsasanib pwersa ng mga taga-suporta nilang dalawa ni Sara ay hudyat ng tagumpay ng mamamayang Pilipino sa matinding hamon na dala ng pandemya.

Kumpirmasyon din ito ng tuloy-tuloy at pagpapaigting pa ng mga programang nasimulan at napagtatagumpayan na ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Napakaganda ng pangyayari na ito dahil ang pagsasama ng isang Marcos at Duterte ay isang magandang simbolo ng pagkakaisa ng bansa. Ako from North at si Inday Sara from the South at nagkita dito sa Eastern Samar,” pahayag ni Marcos Jr.

Tuloy-tuloy din ang pangunguna ng dalawa sa lahat ng pormal (methodological) at random man-on-the-street survey katulad ng serye  ng Kalye Survey sa bansa kung saan napakalaki ng naitatalang kalamangan ng kanilang tandem.

Ang San Juanico Bridge na pinuno ng mga supporter ng dalawa na pawang nakabihis kulay pula at berde ay may kabuuang haba na 2,200 metro. Ito ay bahagi ng Pan-Philippine Highway na proyekto ni dating Pangulo Ferdinand Marcos at inihandog sa asawang si Imelda Marcos na kilalang Waraynon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -