28.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Lahat ng 44 Cebu mayors inindorso ang BBM-SARA Uniteam para sa 2022

- Advertisement -
- Advertisement -

APATNAPU’T apat na alkalde mula sa lalawigan ng Cebu ang nagpahayag ng suporta sa BBM-SARA Uniteam bilang opisyal nilang pambato sa nalalapit na 2022 national elections.

Ang suportang ito ay ginawa mismo sa harap nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at running-mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte nang kapwa sila humarap bilang mga panauhing pandangal sa regional planning conference ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Cebu nitong nakalipas na Biyernes.

“In behalf of all the 44 mayors of the province of Cebu, particular to the mayors of the 5th district, as well as my fellow mayors in the Visayas, for whom I am the national vice-president, we hereby express our unequivocal support to you, for your candidacy and we will do everything in our power to ensure an unequivocal victory in the coming elections,” ani LMP-Cebu Chapter President Mayor Ma. Esperanza Christina Frasco.

Inilabas ang endorsement  ng LMP Cebu mayors isang araw matapos magpirmahan bilang alyansa ang pamunuan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) para isulong ang BBM-SARA Uniteam sa nalalapit na eleksyon.

Kaagad namang nagpasalamat si Marcos, opisyal na kandidato ng PFP, sa mga alkalde sa Cebu na sama-samang nagpahayag ng suporta sa kandidatura nila ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

“It’s a tremendous help, of course ang national candidate eh umaasa talaga yan sa mga local government official, from governors to mayors up to the barangay captains kaya ang endorsement like that ay very welcome. I welcome it very much, and I thank all of those mayors in region seven who gave me and Inday Sara their support,” ani Marcos.

Sinabi rin ni Liloan, Cebu Mayor Ma. Esperanza Christina Frasco na wala nang iba pang presidential candidate ngayon ang may kakayahan at karanasan na katulad ni Marcos.

Subok na aniya ang track record ni BBM matapos nitong maglingkod bilang governor, vice-governor, congressman at senador.

“His proven track record in the executive, legislative and administrative experience had prepared him for the ‘most difficult job’ in our country,” saad pa ng lady mayor.

Idinagdag pa ni Mayor Frasco na: “We all have common hopes, the hopes that we can provide a better life for fellow Filipinos and our families and pin our hopes on our next president, firm in the belief that he can deliver a bright and progressive future, not only to Cebuanos but to all our fellow Filipinos.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -