27 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

BBM-Sara uniteam, suportado ng mga negosyante sa Cebu!

- Advertisement -
- Advertisement -

MAHIGIT 50 negosyante sa Cebu ang pormal na nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng BBM-SARA Uniteam sa isang simpleng seremonya sa Mandaue City, Biyernes ng umaga.

Ang mga negosyante, karamihan ay mula sa small and medium entrepreneurs (SMEs) na naapektuhan at pilit bumabangon sa gitna ng pandemya, ay bumuo ng samahan na tinawag nilang Businessmen ng Bayan Movement of the Philippines (BBM).

Ani Benjie Hortelano, presidente ng BBM, malaki ang kanilang paniniwala na muling sisigla ang ekonomiya sa ilalim ng Marcos administration.

“BBM is rooting for the BBM-SARA Uniteam,” anang grupo na nagsabing sa mga susunod na araw ay aabutin nang mahigit pa sa 1,000 ang kanilang miyembro.

Kaagad nagpasalamat si Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa kanyang mga supporters at sinabing ang nakalipas na ‘unity ride caravan’ na inilunsad noong nagdaang Linggo ay nagpapakita kung ganong nagsama-sama ang lahat sa kahandaan upang ipanalo ang kanyang liderato.

“The caravan was not only a display of support for my candidacy but it was also symbolic because it fosters unity,” pahayag ni Marcos.

Kinilala ng standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang pagkilos ng business sector sa kanyang kandidatura na alam niyang labis ding naapektuhan ng pananalanta ng pandemya.

“I cannot repay you for all your sacrifices by merely expressing my gratitude. Let us continue what we started positively towards unity to enable us to overcome the crisis that we are facing,” ani Marcos.

Kahanga-hanga aniya ang ipinapakitang katatagan ng mga negosyante sa Cebu dahil nakatayo pa rin ang mga ito  kahit na may pandaigdigang problema sa kalusugan.

“Ipagpatuloy natin ang pagkalat ng mensahe natin ng pagkakaisa para tayo’y makaraos dito sa krisis na ito kaya kami ni Inday Sara ay patuloy na nagpapasalamat sa inyo sa inyong pinakitang suporta, sa inyong pag-organisa ng mga movement na ganito at ipagpatuloy natin ito,” ani Marcos.

“Hindi tayo mapapagod. Walang iwanan, walang laglagan. Hindi tayo magkakahiwalay (dahil) magiging matagumpay tayo sa darating na halalan…. sa darating na Mayo,” pahabol pa ni Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -