Lalong lumakas at tumibay ang BBM-SARA Uniteam nila presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte matapos mabuo ang alyansa ng apat sa pinakamalalaking partido sa bansa na siyang susuporta sa kandidatura ng dalawa sa 2022 elections.
Pinangunahan ng BBM-Sara Uniteam, ang “Uniteam Alliance Signing” ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), LAKAS-Christian Muslim Democrats (CMD), Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) sa isang simpleng programa kahapon ng umaga sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay.
Iginiit ni Bongbong sa kanyang talumpati na sa kabila ng maingay at maduming pulitika, ang pagsasanib pwersa ng mga partido ang pagpapakita ng pagkakaisa ang magdadala at magbabalik ng katahimikan ng bansa.
“It is a tumultuous campaign in a tumultuous time in the history of the Philippines. And it is with this unifying steps that we hope to bring the stability back,” giit ni Marcos.
“We have come together on the basis of unity. And it is this unifying forces that I believe will bring the stability back first to the political arena, and scondly, to the country,” dagdag pa ni Marcos.
Siniguro rin ni Marcos na ang pagsasama ng mga partido ay hindi lamang para sa interes nila kundi sa interes ng bansa.
“Mark this day in your calendar. It is a day that we began the consolidation and unification of the political forces that we have. This is the day that we began to bring those forces together in the interest of the country, not in the interest of our parties, not in the interest of the personalities,” ani Marcos.
Sa ipinadala namang video ni Sara Duterte, pinasalamatan nito ang lahat ng nagsanib pwersa para suporatahan ang kanilang tandem na BBM-Sara Uniteam.
“There’s is no turning back and we shall move forward with the overwhelming support of the people,” ani Duterte.
Si Marcos ang standard-bearer at chairman ng PFP habang si Sara naman ang chairperson at standard-bearer bilang bise presidente ng Lakas-HNP.
Lumagda sa memorandum of agreement (MOA) sila Davao Occidental Gov. Claude Bautista, presidente ng HNP; South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr., presidente ng PFP; House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez, presidente ng LAKAS-CMD; at dating Senador Jinggoy Estrada, presidente ng PMP.
“All parties agree to give their full and unqualified support to the presidential candidate of PFP, Ferdinand Marcos Jr., and vice presidential candidate of HNP and Lakas-CMD, Sara Duterte,” ayon sa limang pahinang MOA.
Ang mga naturang partido ang sinasabing nagpanalo at sumuporta rin noon sa kandidatura ng tatlong pangulo ng bansa na sina Fidel Ramos, (Lakas), Gloria Macapagal-Arroyo (Lakas), at Joseph Estrada (PMP).
Inaasahan naman ng Lakas-CMD na ang pagsasanib pwersa ng pinakamalalaking partido sa bansa ay hudyat ng inaasahang pag-anib ng iba pang partido para suportahan ang BBM-Sara Uniteam.
“Today, Lakas-CMD is entering into a formal alliance with three other major political parties to ensure the victory of the BBM-Sara team in the coming elections. The UniTeam Alliance, we pray, is just the beginning. We dream of a grand coalition of national and regional parties with local alliances that share our vision of a better future for this generation and the next,” ayon kay Romualdez.
Nito lamang Miyerkules, sa virtual meeting via Zoom ng Lakas-CMD’s Executive Committee, nagpasa ang partido ng resolusyon na opisyal na nilang isusulong at susuportahan ang kandidatura ni Marcos bilang presidente at kinumpirma rin na si Sara ang kanilang pambato sa bise presidente sa 2022 elections.
Sa kanyang mensahe sa Executive Committee ng Lakas-CMD, hinimok ni Sara Duterte ang iba pang miyembro ng partido na mag-imbita pa ng ibang grupo para sumama at mas palakasin pa ang “Uniteam Alliance.”
“Hopefully, we will be able to invite more parties in the coming days to sign up for the UniTeam Alliance for the 2022 elections. I know that you have many friends outside of Lakas-CMD and I hope that you will take time out to talk to them and invite them,” ani Duterte.
Sinabi naman ni dating senador Jinggoy Estrada na ang karanasan nila Bongbong at Sara bilang mga anak ng pangulo ang nagdala sa kanila para maglingkod sa bansa.
“Kaming tatlo na mga anak ng presidente ay may marubdob na pagnanasa para makapaglingkod din sa bayan. Masisiguro pa namin na iba ang aming brand of service,” pahayag ni Jinggoy.
Iginiit naman ni Gov. Bautista, patunay ang alyansa na nagkakaisa ang buong bansa sa pagsuporta sa BBM-Sara Uniteam.
“Hindi lamang solid North, hindi lamang Solid South, kundi solid ang buong bansa para sa pagkapanalo ni presidential aspirant Bongbong Marcos at vice-presidential aspirant Sara Duterte,” ani Bautista.
Matatandaan na sa mga pinakahuling survey, namamayagpag at nangunguna ng malayo sa mga katunggali ang tambalang BBM-Sara Uniteam na nag-aalok at nagsusulong ng mapagkaisang pamumuno para sa 2022 national elections.