27.2 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

BBM-Sara uniteam nangunguna pa rin sa online mock polls

- Advertisement -
- Advertisement -

Nangunang muli ang BBM-Sara sa presidential at vice presidential survey.

Nangunang muli  sina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice-presidential bet Sara Duterte, ang tambalang tinawag na BBM-Sara Uniteam dahil sa pareho silang naniniwala sa mapag-kaisang liderato o “unifying leadership,” sa kauna-unahan at pinakamalaking ‘blockchain simulated elections’ o online mock polls na isinagawa ng PUBLiCUS ASIA INC. at iVote.ph.

Bagama’t nasa kasagsagan pa din ang survey, mayroon nang 3,800 mga boto ang naitala para sa pagka-pangulo, 90 na boto para sa pangalawang pangulo at 57 na boto para pagka-senador noong Biyernes ((Nobyembre 19, 2021) ng hapon.

Ang mga boto ay nagpapakita na mas naka-focus ang mga lumahok sa labanan sa pagkapangulo.

Kasalukuyang nasa unang pwesto sa pagka-pangulo si Marcos sa botong 3,496 (90.10 percent) na sinundan ni Leni Robredo na nakakuha ng 313 boto (8.06 percent).

Pangatlo naman si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na may 38 boto (0.9 percent), pang-apat si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na may 21 boto (0.5%), panglimang pwesto si Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na may 11 boto (0.2 percent) at Sen. Christopher ‘Bong’ Go na kasalukuyang may isa pa lang na boto (0.02 percent).

Nangunguna naman sa labanan sa pagka-bise presidente si Sara Duterte na may 80 boto (88.88 percent), pangalawa si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan na may limang boto (0.05 percent), pangatlo si Willie Ong na may tatlong boto (0.03 percent), at kapwa tig-isang boto (0.01 percent) sina Sen. Vicente ‘Tito’ Sotto at Rep. Lito Atienza.

Hindi naman matinag sa unang pwesto para sa mock election sa pagka-senador si Pangulong Rodrigo Duterte na may 33 boto (57.89 percent), pumangalawa si dating Public Works Secretary Mark Villar na nakakuha ng 11 boto (19.29 percent).

Samantala, sina Gob.. Francisco ‘Chiz’ Escudero, broadcaster Raffy Tulfo at dating senador Antonio Trillanes ay nakalikom ng dalawang boto (0.3 percent).

Nagsanib-pwersa ang PUBLICUS ASIA Inc. at iVote.ph para sa kauna-unahan at pinakamalaking ‘blockchain election simulation’ sa bansa kung saan maaaring makaboto ang mga Pilipino mula sa higit 150 bansa sa nasabing online polls.

Sina Rein Lewis Pecson at Niel Fernandez Jr., kapwa 12-taong gulang, ang nagtulong para mabuo ang iVote.ph digital voting system. Para sa kanila ay ligtas at hindi maaaring madaya ang kanilang ginawang portal.

Nagsimula ang mock elections noong Miyerkules, November 17, 2021.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -