26.4 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

Kanselasyon ng CoC ni BBM pinalagan ng mga Cebuano

- Advertisement -
- Advertisement -

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga taga-suporta ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Huwebes ng umaga sa harap ng Commission on Election (Comelec) Central Visayas office sa Cebu City upang mariing tutulan ang mga petisyon na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ng dating senador.

Ang mga nagprotesta ay nagpakilalang mula sa iba’t-ibang sektor at nagsamasama upang labanan ang “marumi at mapanlinlang na taktika ng iilang grupo na takot maluklok si Marcos sa pagkapanuglo dahil ito ang maghahatid ng tunay na pagbabago sa ating bayan.”

Ang mga kasapi ng “Cebuanos Kontra DQ,” ay unang nagtipon-tipon sa Plaza Independencia at nagmartsa patungo sa tanggapan ng Comelec kung saan sila naglunsad ng isang maikling programa at nagsindi ng mga pulang kandila upang iparating ang kanilang pagtutol.

“The purpose of this gathering is to voice our resistance to the disqualification cases being lodged against BBM. We also wanted a fair hearing by the Comelec and not settle this by technicality. The voice of the sovereign people must not be muted and thwarted,” sabi ni Cebu City Councilor Erik Espina. 

Hiniling ni Espina na sana ay tularan at ilunsad din ng ibang mga taga-suporta ni Marcos ang katulad na pagkilos sa iba’t-ibang lalawigan at lungsod bago ang nalalapit na Comelec hearing sa November 26.

Unang naglatag ng petition for the cancellation certificate of CoC ang grupong Kapatid noong November 2.

Isa pang petisyon ang  isinampa noong November 8, na sinundan naman ng isa pa ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ng kaniyang mga kaalyado.

Subalit mariin itong kinondena ni Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff ni Marcos, at tinawag itong “nuisance at bahagi lamang ng isang mababaw na political gimmicks mula sa mga taong ayaw umusad ang bansa at tumawid mula sa hirap na dinanas bunsod ng pandemya.”

“They refuse to elevate the level of political discourse, getting stuck to dirty campaigning, character assassination, and mudslinging,” he said.

Sinabi ni Rodriguez na ang Comelec ay walang kapangyarihang mag-review, baguhin, o pawalang bisa ang desisyon ng Court of Appeals.

“Elections are fought and won on Election Day through the ballots, and surveys or voters’ test polls are the gauge of the candidates’ standing and a guide to win the electorate,” sabi nito.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -