NANGUNA si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa isinagawang 16-part Kalye Surveys sa Cebu ng isang sikat na local vloggers sa nasabing lalawigan.
Si Marcos ang numero unong gusto ng mga Cebuano para sa pagka-pangulo ng bansa sa iba’t ibang mga siyudad at munisipalidad sa Cebu sa isinagawang face-to-face at real-time man-on-the-street survey na isinagawa mula Oktubre 14 hanggang Nobyembre 11 ng vlogger na si Isla de Olango at ng kanyang asawa.
Base sa resulta ng 16-part survey, nakuha ni Marcos ang unang pwesto matapos makakuha ng 754 na boto; pumangalawa si Manny Pacquiao na may 210 na boto; pangatlo si Isko Moreno sa botong 121; pang-apat si Leni Robredo na may botong 103; kapwa naman nasa ikalimang pwesto sina Ping Lacson at Ronald “Bato” Dela Rosa na parehong nakakuha ng 29 na boto.
“Marcos, da best!” ayon sa isang truck driver nang tanungin siya sa kanyang dahilan sa napili niyang kandidato.
“Ang Pilipinas mabubuhay ‘pag kay Marcos,” sabi naman ng isang bumotong Cebuano.
Kapansin-pasin din na karamihan sa mga komento ng mga subscriber ng vlogger sa nasabing kalye-serye episode na si Marcos ang napupusuang manok ng mga Cebuano sa darating na May 2022 elections.
“Yes, solid BBM from Cebu n Mindanao…wala ng iba!” sabi ng isang babae na subscriber.
“BBM, ang kandidatong hindi naninira at d kailangang manira para manalo. May magandang plataporma at sapat ang karanasan, kakayahan at kahandaan upang iahon ang mga Pilipino sa kahirapan tungo sa isang progresibo, matatag at higit nating ikararangal na Pilipinas,” ayon naman sa komento ng isang subscriber.
Nagpasalamat din ang mga subscriber sa vlogger dahil sa tiyaga nito na mag-ikot sa kabila ng mainit at minsan ay maulan na panahon habang isinasagawa ang Kalye Survey series sa Cebu. Ayon pa sa kanila, ito raw ang maituturing na mas kapani-paniwalang survey dahil nalalaman mismo ang pulso ng mga botante.
“Yes tama po. on the spot survey. pulso ng taong bayan aktuwal nating mapakinggan. Slmat sa update sa kalye survey mga vloggers kyo ang tunay n media ng byn,” komento ng isa pang subscriber.
“Mabuhay kyo isla olango vlogg, pinapanood ko mga ibat-ibang vlogg sa ‘Pinas pero nkllamang tlga c BBM sa lahat ng survey kalye, sna xa ang manalo sa halalan sa Mayo dahil xa lang ang karapatdapat ng maging Presidente, pra sa ika-uunlad ng ‘Pinas mabuhay kyo mag-asawa, keep safe & god bless, watching,” pahayag ng isang Pinay na naninirahan sa North Carolina, United States.