Matapos na sirain ng Bureau of Customs (BOC) at ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit P300 million na mga gulay at iba pang agricultural products sa Pampanga, nakiusap is Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tingnan ang posibilidad na maipamigay ang mga smuggled na pagkain sa mga komunidad lalo kung ligtas naman itong kainin.
Ayon kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, food security ang isa sa mga pinaka-malaking problem ngayong panahon ng krisis dahil marami ang nawalan ng trabaho dahil sa mga lockdowns at patuloy pa ring nagugutom kahit binaba na ang alert level sa ilang lugar sa bansa.
“Kung idadaan sa tamang inspeksiyon at pasado ang kalidad ng mga nasabat na gulay at prutas, pag-aralan sana natin ang posibilidad na mabigay ito sa mga nangangailangang komunidad sa halip na itapon upang mapakinabangan naman ngayong pandemya,” Marcos said.
Mahigit 3.4 million na pamilyang Pilipino ang nakakaranas pa rin ng kagutuman, ayon sa datos na mula sa Social Weather Stations (SWS). Ayon din sa Department of Science and Technology- Food and Nutrition Research Institute, 1.7 metric tons ng pagkain ang nasasayang araw-araw.
Hinikayat din ni Marcos ang BOC at DA na lalo nilang pagtibayin ang kanilang laban kontra illegal smuggling ng gulay at prutas sa bansa upang kanilang maprotektahan ang mga Pilipinong magsasaka.