NANINIWALA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang lungsod ng Cebu at iba pang sumusulong na ‘urban hubs’ sa bansa ay may malaking gagampanang papel sa pagbangon ng ekonomiya sa hinaharap na post-COVID-19 pandemic.
“I think we can always count on Cebu na maging hub ng economic development,” pahayag ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Cebu City nitong weekend.
Ayon sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, prayoridad sa kanyang adhikain na kaunlaran ang lalawigan bilang sentro ng kalakalan at industriyalisasyon sa Visayas region. Aniya, malaki ang potensiyal ng lalawigan at nagbalik-tanaw siya na ang itinatag na Mactan Export Processing Zone ng kanyang namayapang ama na si Ferdinand Marcos, Sr. ang patunay sa kahalagahan ng Cebu City sa kaunlaran ng bansa.
“If you remember, one of the main drivers of the progress of the economy in Cebu is the development of the port and I think we can continue that. Cebu is still the economic center of the Visayas and in some areas, it’s actually the economic center of the Philippines, so we must continue the development,” pahayag ni Bongbong.
“The big urban hubs will be the center of development in the future so Cebu being so prominent will certainly be a major part of that. It’s important that Cebu is part of the plan because it has always had an entrepreneurial tradition. Cebu has a strong entrepreneurial spirit that we can take advantage of in making better deals with public-private sectors sharing,” ayon kay Marcos.
“Malaki ang magiging papel ng Cebu City sa pagbangon ng ating ekonomiya na pinasadsad ng COVID-19 pandemic. Kaya ngayon pa lang, dapat na nating planuhin at isulong ang mga programa para solusyunan ang mga isyu sa trapiko, mataas na singil sa kuryente, imprastraktura at ang mismong pandemic,” aniya.
Nagsusulong ng mapagkaisang liderato, sinabi ni Marcos na maisasakatuparan ang mga pagbabago at kaunlaran kung magkakaisa at magtutulungan ang lahat sa liderato ng lokal na pamahalaan bilang pagpapatibay sa antas ng Cebu City at maibalik ang katayuan nito hindi lamang bilang ikalawang progresibong lungsod kasunod ng Maynila bagkus bilang dating Kapitolyo ng bansa.
“We will have to work with LGUs to see what it is they plan to do when the time comes. Hopefully that we will be able to make some changes,”pahayag ni Marcos.
Ipinangako ni Marcos sa Cebuanos na gagawin ang lahat ng makakaya para sa ikabubuti ng lalawigan.
“I will serve the country at may kasabihan na ‘pag tumaas ang tubig, lahat ng barko tumataas din. Pataasin natin ang Pilipinas, at isa sa unang lungsod sa Pilipinas na aangat ay ang Cebu,” sambit ni Marcos.