26 C
Manila
Lunes, Disyembre 30, 2024

BBM: Rappler bigyan ng ‘another chance’

- Advertisement -
- Advertisement -

Tunay na isang “unifying leader” na hangaring mapagkaisa ang buong sambayanan, pinanawagan ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP ) presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. Jr. sa kanyang mga supporters na mas isaalang-alang ang kapayapaan at katiwasayan ng bayan.

Hiniling ni Marcos nitong Lunes sa sambayanan, higit ay sa mga nabastos ng Rappler na mga tagasuporta niya, na isantabi ang galit at poot laban sa pamunuan ng kontrobersiyal na online news outfit.

“Let us give Rappler another chance,” pahayag ni Marcos, patungkol sa plano ng mga tagasuporta na magsagawa ng ‘hate campaign’ laban sa Rappler.

“Those behind the manipulation of a simple exercise to get the voters’ pulse on the 2022 presidential race might have been overwhelmed by their desire to accomplish whatever mission assigned to them… so let’s give them another chance to find honesty in their heart,” sambit ng Presidential aspirant.

Pinasalamatan ni Marcos ang milyon na tagasuporta sa social media matapos masilip ang ginagawang manipulasyon ng Rappler, ang kumpanyang binigyan ng kapangyarihan ng Facebook na maging fact-checker sa Pilipinas, sa isinagawang survey sa nais ng taong-bayan na ibotong presidente sa 2022 elections.

Hiniling din niya na manatiling kalmado at mapanuri sa pagbabantay sa iba pang ginagawang survey, ngunit ang layunin lamang ay manipulahin ang resulta upang mapasinungalingan ang katotohanan at palabasin na ang mga kulelat na kandidato ang siya umanong napupulsuhan ng sambayanan.

Hindi nagustuhan ng netizens sa social media ang ginawang kalokohan ng Rappler nang magsagawa ng isang survey at pinalabas na nangunguna ang ibang kandidato kay Marcos sa kabila ng katotohanan na ang dating Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang siyang nakakuha nang maraming boto sa naturang survey.

Sa naturang survey ng Rappler, ang kontrobersyal na fact-checker ng Facebook Philippines, hiningi nila ang pulso ng bayan para sa nais na maging pangulo sa susunod na halalaan sa pamamagitan ng pag-click sa nakatalagang ‘emoticon’. Itinalaga ang ‘wow’ emoticon kay Marcos, ang ‘heart’ kay Leni Robredo, ‘laugh’ kay Panfilo Lacson, ‘like’ kay Isko Moreno at ang ‘care’ emoticon kay Manny Pacquiao.

Pinalabas ng Rappler na may nakuhang boto si Robredo na 161,000 habang si Marcos ay nakakuha lamang ng 87,000.

Ngunit sa ginawang fact-checking ng Vlogger na si Kasangga Jay, lumalabas na ang tunay na resulta ay nagbibigay ng malaking boto kay Marcos at ang manipulasyon ng Rappler ay isa na namang pamamaraan para dayain ang publiko.

“Nakalulungkot isipin na niloloko na naman tayo nitong biased press, biased media na ito sapagkat sa kanilang survey ay tila kwestiyonable o tila kataka-taka ang nilalaman nito, mga kasangga. Tila may mali kasi binabalandra na si Leni ang nangunguna, with heart reactions pero nung inusisa nung Tiktok uploader ay ang nangunguna ang mga Wow reactions na para kay Bongbong Marcos,” aniya.

Kinatigan ng isa pang vlogger na si Maui Becker, mas kilala sa social media bilang Princess Maui, ang pahayag ni Jay at pinasinungalingan ang inilabas na resulta ng Rappler. Iginiit niyang ginamit ng Rappler ang mga account na hindi na aktibo para maging boto ni Robredo.

“Epic fail ng Rappler, napahiya sila. Purveryor ng fake news or biased magbalita. Lahat na lang ba ng balita nyo fake, Rappler? Hindi kinaya ng inyong technical maneuver, pagmamani-obra ng survey. Hindi nila kinaya ang dami o buhos ng followers ni BBM. Hindi nila kakayanin dahil hindi lang naman ang mga ito ‘yung mga netizens na namumulat na at naa-appreciate nila si BBM,” pahayag ni Princess Maui.

“Di ko kayang tanggapin na nangunguna ka sa survey sa akin,” pabirong tugon ni Princess Maui patungkol sa awiting pinasikat ng April Boy.

“Hindi kinaya ng sistema ninyo, hindi kinaya ng program niyo Facebook and Rappler kung tinambakan man nila agad si Leni ng 100k o 150k (heart react) para mahirapan si BBM…Baka may access sila sa mga FB accounts na dormant na at ginamit sa survey…most of the Leni supporters were accounts of Pakistanis, Arab, poseur, fake accounts,” aniya.

Ikinabahala ni Princess Maui na ang ginawa ng Rappler ay isang ‘pilot test’ para sa planong pandaraya sa gaganaping halalan sa Mayo sa susunod na taon.

“Pwedeng this is a practice of the balak nilang pandaraya next year sa elections, precursor of some kind, test pilot ng kanilang pandaraya,” aniya.

Matapos ulanin ng batikos sa naturang propaganda at reklamo ng pandaraya mula sa netizens, inalis ng Rappler ang ginagawang Facebook presidential survey.

Humingi rin ng paumahin ang Rappler sa mga nangagalaiting netizens, kasabay nang pagpapahayag na ang naturang survey ay hindi nakalinya sa kanilang layunin.

Sa kabila nito, nanatiling katawa-tawa sa sambayanan ang kaganapan, gayung matatag ang paninindigan ng mga netizens at mga vloggers na sadyang ginawa ng Rappler ang manipulasyon upang lokohin ang sambayanan at paniwalain na suportado nang marami ang kandidatura ni Robredo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -