Dalawampu’t isang proyektong may kinalaman sa kalusugan at nutrisyon, industriya, negosyo, kalamidad, edukasyon, agrikultura at iba pa na tinaguriang Big 21 in 2021 ang nakatakdang ilunsad ng Department of Science and Technology sa publiko sa ika-pito ng Setyembre taong-pangkasalukuyan (07 Setyembre 2021) at mapapanood sa DOST Philippines Facebook Page sa ganap na ika-sampu ng umaga.
Ayon sa kalihim ng departamento na si Secretary Fortunato ‘Boy’ T. de la Peña, ang ilulunsad ay dalawampu’t isang mga teknolohiya, proyekto, at mga pananaliksik na may layuning maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Filipino, lalo na sa mga rehiyon, hindi lang ngayong panahon ng pandemya ngunit sa mga darating pang panahon.
Aniya, kahit wala pa man ang pandemya ay nasa bisyon na ng DOST ang maaaring maitulong ng mga proyektong ito na gumagamit ng agham, teknolohiya, at inobasyon, na makapagdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tao habang tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap at pagdedebelop ng mga solusyon sa mga problemang may kaugnayan sa kalusugan, pagkain, at kabuhayan patungo sa mas maginhawang pamumuhay.
Ayon naman kay DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina L. Guevara, nananatiling positibo ang pananaw ng DOST na malaki ang maitutulong ng mga proyektong ito upang makabangon tayong muli at maka-adapt sa new normal.
“Iniimbitahan naming kayong gumagawa na bago nating kinabukasan sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga local ng teknolohiya at makapabagong kaalaman na kasama sa Big 21 in 2021. Inaanyayahan rin naming ang mga kasamahan naming sa gobyerno na gumagawa ng mga patakaran, mga technopreneur, mga integrator, at mamumuhunan na ibahagi sa amin ang inyong mga ideya at kayamanan upang sama-sama tayong bumuo ng magandang kinabukasan bilang development partners,” aniya.
Ilan sa mga teknolohiya at proyektong ibibida ng Big 21 in 2021 ay ang mga sumusunod:
1. Nutritional genomics of the Food and Nutrition Research Institute;
2. Biosafety Level 2+ Laboratory for the Virology and Vaccine Institute of the Philippines;
3. Virgin Coconut Oil as adjunct therapy for COVID-19;
4. NICER Projects on Smart Water Infrastructure Management (SWIM) Research and Development Center in Region II and the Center for Sustainable Polymers in Region X;
5. Advanced Manufacturing Center (AMCen) as a hub for additive manufacturing or 3D printing;
6. Advanced Mechatronics, Robotics, and Industrial Automation Laboratory or AMERIAL;
7. Spectral Acceleration Maps (SAM PH) Maps, the latest probabilistic seismic hazard model developed by PHIVOLCS;
8. Establishment of Early Warning Systems and Observing Stations from PAGASA;
9. Partnership of DOST with Coursera spearheaded by DOST-Caraga to provide free access to 3,800 courses offered by international universities online;
10. Successful entrepreneurs under the Small Enterprise Technology Upgrading Program or SETUP 4.0 to align with the initiatives of the 4th Industrial Revolution; at
11. Model communities under the Community Empowerment through Science and Technology program or CEST that has been expanded.
Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa buong Big 21 in 2021 technologies, programs at projects ng DOST at mga ahensya at regional offices nito, bisitahin ang DOST Philippines Facebook page at websites ng DOST sa www.dost.gov.ph at DOST-STII sa www.stii.dost.gov.ph.