29.9 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Pinas, wagi rin ng anim na medalya sa International Math Olympiad

- Advertisement -
- Advertisement -

Ni Rosemarie C. Señora, DOST-STII, S&T Media Service

Matagumpay ang naging paglaban ng anim na miyembro ng koponan ng Pilipinas sa katatapos lamang na 62nd International Mathematical Olympiad o IMO.
 
Ito ay matapos na mag-uwi silang lahat ng tig-iisang medalya sa itinuturing na isa sa prestihiyoso at pianakamahirap na kompetisyon sa matematika sa buong mundo.
 
Wagi sina Immanuel Josiah Balete ng St. Stephen’s High School, Raphael Dylan Dalida ng Philippine Science High School – Main Campus, Steven Reyes ng Saint Jude Catholic School, at Bryce Ainsley Sanchez of Grace Christian College ng tig-iisang medalyang pilak sa naturang kompetisyon. Tansong medalya naman ang tig-isang iniuwi nina Sarji Elijah Bona ng De La Salle University – Senior High School at Vincent Dela Cruz ng Valenzuela City School of Mathematics and Science.
 
Kasama nilang lumaban sina Dr. Christian Paul Chan Shio bilang leader at G. Raymond Joseph Fadri bilang deputy leader sa ngalan ng Mathematical Society of the Philippines (MSP).
 
Ayon kay Dr. Chan Shio, pinaghirapan nang husto ang mga medalyang kanilang napanalunan kaya naman karapat-dapat talaga silang manalo at ipagmalaki ng buong bansa.
 
“They’re no strangers to the rigors of competition and their commitment and dedication paid off. They made us and the country very proud.”
 
Ayon naman kay DOST Science Education Institute Director Dr. Josette T. Biyo, ang kasalukuyang taon ay isang magandang taon upang iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa international arena.
 
“These students are showing the world that Filipinos are achievers in anything they put their minds to, be it sports or intellectual pursuits,” dagdag niya.
 
Samantala, ang pagsasanay ng mga kalahok ay pinangunahan ng mga propesor mula sa University of the Philippines Diliman at sa Ateneo de Manila Universtiy, at kinabibilangan ng mga opisyal mula sa dating koponan tulad nina Dr. Richard Eden, na team leader mula 2016 hanggang 2019 at ni Dr. Louie John Vallejo na deputy leader mula 2015 hanggang 2017.
 
Pinuri rin ni MSP President Dr. Jose Ernie C. Lope ang koponan ng Pilipinas para sa ipinakita nitong galing ngayong taon, na lumamang pa sa mga maituturing nang magagaling na koponan tulad ng Japan, France at Romania.

“Once again, the Philippines has shown that it is not far behind the world leaders in mathematics competitions. Huge congratulations to all our contestants and to lead coaches, Dr. Chan Shio and Mr. Fadri. On behalf of the MSP, I would like to thank DOST-SEI and HARI Foundation for generously supporting us in this important endeavor,” pagtatapos niya.

Mula sa ika-43 pwesto noong 2020 ay umakyat sa ika-23 na pwesto ang pambato ng Pilipinas sa kompetisyon na nilahukan ng 107 na bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -