Minabuti ng Pamahalaang Lungsod na isuspinde ang pagbabakuna sa Festival Mall Vaccination Site simula July 15 habang inaayos ang kanilang storage facility.
Ayon sa inisyal na pagsusuri, nagkaroon ng pagbabago sa temperatura na maaaring makaapekto sa kalidad ng bakuna.
Prayoridad natin ang kapakanan ng bawat isa kaya’t nagdesisyon pong huwag nang gamitin ang mga bakunang ito. Mas mabuti na pong sigurado tayo dahil kaligtasan ng mga babakunahan ang nakasalalay dito.
Humihingi kami ng paumanhin sa mga naka-schedule sa Festival Mall Vaccination Site. Kasalukuyang nagpapadala ng mensahe ang MunCoVac Team, at antabayanan din po ninyo ang abiso para sa panibago ninyong schedule.
Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng Vaccination Team sa National Government para sa nararapat na aksyon.
Sinisiguro nating mabibigyan ng bakuna ang mga apektado ng insidenteng ito, lalo ang mga naka-schedule ng second dose.
Ayon sa panuntunan ng National Vaccination Task Force (Advisory 62), maaari pa ring tumanggap ng second dose tatlo hanggang anim na buwan mula sa first dose.